Nagkaroon ng courtesy call si Komeito Party Chief Yamaguchi Natsuo na miyembro ng House of Councilors ng National Diet of Japan kay House Speaker Martin Romualdez.
Sa paghaharap ng dalawang opisyal, tiniyak ni Natsuo ang patuloy na pagpapalalim sa ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Katunayan, inihayag nito kay Romualdez ang pagnanais ng Japan na tumulong sa pagpapaunlad ng imprastraktura sa bansa upang mabawasan ang impact ng mga kalamidad.
Handa rin ani Natsuo ang Japan na mapalakas ang kapasidad at kakayanan ng maritime security personnel ng bansa.
Ito ay bilang suporta sa Pilipinas sa hinaharap nito na maritime issues. | ulat ni Kathleen Jean Forbes