Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga tagapaglimbag na pagyamanin ang binhi ng kaalaman o “seeds of knowledge” upang mapakinabangan ng susunod na henerasyon.
Sa kanyang pagdalo sa Philippine Book Festival, pinuri ng pangalawang pangulo ang dedikasyon ng National Book Development Board sa mga estudyanteng Pilipino, kung saan itinampok niya ang dedikasyon at mga nagawa ng publishing industry sa bansa.
Dagdag pa nito, mahalaga rin ang Philippine Book Festival sa naging paglulunsad ng MATATAG Curriculum ng Department of Education na nagbibigay diin sa mga batayang kakayahan– na kinabibilangan ng pagsulat, pagbasa at pag-unawa.
Ang Philippine Book Festival ay isang three-day event na tatakbo mula Agosto 18 hanggang 20, na nagpapahintulot sa mga bisita sa lahat ng edad at background na ilubog ang sarili sa magkakaibang literary landscape ng Pilipinas. | ulat ni Gab Villegas
📷: OVP