Nagsagawa ng ‘run after contribution evaders’ ang Social Security System (SSS) sa mga delinquent employer sa Ayala Alabang sa Lungsod ng Muntinlupa, ngayong araw.
Ayon kay SSS Acting Senior Vice President for NCR Operations Group Rita Aguja, nasa pitong delinquent employer ang binigyan ng notice of violation.
Sa nasabing bilang ng mga employer, nasa 84 employees naman ang apektado na hindi nababayaran ang kanilang contribution na aabot sa P4.32 million delinquencies.
Samantala, isang restaurant naman ang may pinakamalaking delinquent penalties na nasa P1.53 million. | ulat ni AJ Ignacio