Dagdag-bawas sa presyo ng langis, nakaamba sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista!

May nakaamba na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa source ng Radyo Pilipinas mula sa Oil Industry Players, maglalaro mula Php 1.00 hanggang Php 1.20 ang umento sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Sa diesel, may nakikitang Php 0.10 hanggang Php 0.20 ang posibleng maging rollback batay sa nakalipas na 4 na araw na trading monitoring.

Habang ang kerosene, may nakaamba rin namang Php 0.30 hanggang Php 0.40 na umento sa kada litro nito.

Ganito rin ang pagtaya ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau bagaman hindi pa nila makumpirma kung may rollback nga o wala nang maging paggalaw sa presyo ng diesel.

Kahit holiday sa Lunes, Agosto 21 ay asahan pa ring iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang price adjustment na epektibo naman kinabukasan, araw ng Martes. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us