Tumaas ng 88% ang placement rate o ang bilang ng mga job applicants ang nakapagtrabaho na sa mga kumpanyang sumali sa mga job fair sa lungsod ng Malabon.
Ito ay ayon kay Malabon City Mayor Jennie Sandoval, kung ikukumpara sa 70% na naitala noong unang Mega Job Fair.
Dahil dito, muling inilunsad ang panibagong job fair na isinasagawa ngayon sa Robinsons Town Mall sa lungsod.
Nasa 55 kumpanya ang lumahok ngayon at sa pagkakataong ito ay hindi lang mga local companies ang kalahok kundi maging ang mga kumpanya na nangangailangan ng trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa alkalde, nakikipagtulungan na rin dito ang Department of Migrants Workers.
Samantala, mga nurses naman ang hinahanap ng Chinese General Hospital sa ginaganap na job fair.
Habang ang iba pang kumpanya ang hinahanap ay mga customer service merchandiser at
accountants.
Mula sa tinatayang 1,500 na registered applicants, hanggang alas-12:00 ng tanghali kanina, nasa 30 na ang na hired on the spot. | ulat ni Rey Ferrer