?? ????????? ?? ?????????? ?? ???????, ???????? ?? ????? ?? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 18 container ng misdeclared na pula at dilaw na sibuyas sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio, sumailalim sa pisikal na pagsusuri ang mga naturang produkto base sa impormasyon mula China.

Ang naturang parcel may ilang Bills of Lading at iba’t ibang deklarasyon ng mga kalakal ay sinasabing naglalaman ng pizza dough at fishball.

Base sa isinagwang inspeksyon, ang kargamento ay naglalaman ng misdeclared na pula at dilaw na sibuyas.

Bukod dito ang mga pizza dough na ginamit upang itago ang pula at dilaw na sibuyas ay walang kaukulang lisensya at permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Naglabas si District Collector Arnoldo Famor ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga shipment, dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), R.A. No. 9711 at ang D.A. Departamento Circular Blg. 04 Serye ng 2016. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us