May kabuuang 373,636 registered examinees ang kukuha ngayong araw ng Civil Service Examimation – Pen and Paper Test sa iba’t ibang testing center sa buong bansa.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, sa kabuuang bilang 328,772 examinees ang kukuha ng pagsusulit para sa professional level habang ang 44,864 examinees naman ay sa subprofessional level.
Maaga pa lang nasa mga testing centers na ang mga examinee dahil pagsapit ng 7:45 ng umaga ay isinara na ang papasukang gate.
Lahat ng examinees na late dumating ay hindi na papayagang makakuha ng pagsusulit.
Kabilang sa paghihigpit ng CSC ang hindi pagpayag na magdala ng test booklet ang mga examinee sa loob ng testing room.
Mahigpit ding ipinatutupad ang “No ID, No Exam” policy sa mga testing centers.
Sa ngayon, wala pang ulat ang CSC na nagkaroon ng problema sa mga testing center sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer