Dating Pangulong Arroyo, walang pangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang ano mang pangakong binitiwan si dating pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa China na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong kaniyang administrasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Arroyo na wala siyang ano mang pakikipagkasundo sa China o ano mang bansa na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre.

Wala rin aniya siyang ibinigay na awtorisasyon sa kahit na sinong government official noong kaniyang administrasyon para makipagkasundo o mangako.

Punto pa ng dating pangulo na ngayon lamang niya narinig ang naturang claim ng China matapos maging paksa sa isang talakayan.

“I will categorically state three facts.  First, I never made such a promise to China or any other country. Second, I never authorized any of my government officials to make such a promise. Third, I only became aware of such claims recently, when the matter surfaced in public discussions. Beyond this, I will not make any further comment, in order to allow our foreign affairs officials to deal with it with a minimum of distraction.” ani Rep. Arroyo.

Taong 1999 nang sadyang ipasadsad ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa bahagi ng Spratly Islands upang maging defense outpost ng militar. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us