Dumagsa ngayong araw ang daan-daang examinees ng Civil Service Examination o Career Service Examination (CSE) mula sa lungsod ng Iligan City at karatig-bayan dito sa Northern Mindanao.
Alas sais pa lang ng umaga, pumila na ang mga kukuha ng examination. Mahaba ang pila papasok sa isa sa mga naitalagang examination centers, ang Iligan City National Highschool sa Barangay Mahayahay.
Isa si Saddam Ali, 32 years old sa mga umaasang makapasa ng CSE. Ayon sa kanya malaking opurtunidad ang magbubukas sa kanya sakaling siya ay pumasa. Ito daw ay magpapadali sa paghahanap ng trabaho sa bansa lalo na sa pambublikong mga opisina.
Tumulong naman ang mga kapulisan mula sa Iligan City Police Office sa pagbusisi ng bawat examinee sa pagpasok nila sa campus ganun din ang lokal na pamahalan ng lungsod.
Marami rin nagpasalamat na mga examinees mula sa karati- bayan ng Iligan City dahil sila ay na-accomodate sa nasabing pagsusulit.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iligan sa isa ring examinees, Nairah Mohamad, 36 years old, labis ang kanyang pasasalamat dahil sa organisadong examination mula sa Civil Service Commission.| ulat ni Alwidad Basher| RP1 Iligan