Mga motorcycle rider na daraan sa bicycle lanes partikular na sa EDSA, pagmumultahin na simula ngayong araw — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pagmumultahin na ng ₱1,000 ang sinumang motorcycle rider na mahuhuling daraan sa mga itinalagang Bicycle Lane partikular na sa EDSA.

Ito ang inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng pagsisimula ng kanilang panghuhuli sa mga pasaway na motorcycle rider simula ngayong araw.

Ayon sa MMDA, pinakamaraming nagmomotorsiklo ang dumaraan sa Bicycle Lane kaya’t ang mga nagbibisikleta na lamang ang nag-aadjust.

Giit ng MMDA, ang Bicycle Lane ay nakalaan para sa mga nagbibisikleta kaya’t malinaw na hindi ito dapat kunin ng mga nagmomotorsiklo.

Paliwanag pa ng ahensya, ang nasabing halaga ng multa ang siyang kaparusahan dahil sa hindi pagkilala sa mga traffic sign.  | ulat ni Jaymark Dagala

📸: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us