Pagkakaroon ng sariling charter ng Energy Regulatory Commission, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gusto ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng sariling charter ang Energy Regulatory Commission (ERC) para madagdagan ang kapangyarihan nito sa pagtugon sa mga isyu sa power industry gaya ng pagkaantala ng mga proyekto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakakaapekto sa suplay ng kuryente.

Ang mga isyung ganito sa NGCP ang nagtulak sa senador na ihain ang Senate Bill 487.

Ang panukalang batas na ito ang magbibigay sa ERC ng mas malawak na kapangyarihan para ma-regulate nang maayos ang iba’t ibang stakeholder sa sektor ng enerhiya.

Ipinunto ng senador na nabuhay lang ang ERC dahil sa EPIRA (Electric Power Industry Reform Act ) at marami pang kailangang ayusin para magkaroon ng ngipin ang ERC.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat tiyakin na mayroong sapat na kapangyarihang magparusa ang ERC para matiyak ang interes ng mga konsumer at maisulong ang pananagutan at transparency sa power industry.

Nakausap na aniya ni Gatchalian sina Energy Secretary Raphael Lotilla at ERC Chairperson Monalisa Dimalanta tungkol sa panukala niyang ito at sang-ayon silang pag-aralang maigi ang kapangyarihan ng ERC. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us