CSC, nagtala ng higit 92% na turnout ng examinees para sa Career Service Exam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Civil Service Commission (CSC) ang mataas na turnout ng examinees sa katatapos na Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong linggo, August 20.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, mula sa kabuuang 373, 638 na nagparehistro, umabot sa 345,289 o katumbas ng 92.41% ang actual examinees.

Mula sa bilang na ito, 304,247 ang kumuha ng eligibility exam para sa professional level habang higit 41,000 naman sa sub-professional.

Naging maayos at organisado naman sa pangkalahatan ang ginawang pagsusulit sa 95 testing centers sa buong bansa.

Kasama sa tinutukan ng CSC ang isla ng Siargao na nakilahok sa eligibility exam sa kauna-unahang pagkakataon.

Inaasahan naman ng CSC na mailalabas ang resulta ng pinakahuling Career Service Exam matapos ang tatlong buwan o sa November 3.

Una nang sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles na nananatiling mataas ang interes ng publiko na magkatrabaho sa gobyerno kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kumukuha ng Career Service Exam sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us