“Pacific Partnership” multilateral exercise isasagawa sa San Fernando, La Union simula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula bukas hanggang Agisto 31 isasagawa ang multilateral military exercise “Pacific Partnership” sa San Fernando, La Union.

Ang ehersisyo ang pinakamalaking taunang Humanitarian and Disaster Relief (HADR) exercise ng Estados Unidos na layong palakasin ang interoperability ng pitong kaalyadong bansa sa Asia Pasipiko.

Malugod na tinanggap ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto ang pagkakataon na muling makasama ng AFP ang mga kaibigang pwersa, sa iba’t ibang HADR; medical, dental, veterinary; at engineering activities.

Ang pagsasanay sa HADR ay nakatutok sa Mountain Search and Rescue, Urban Search and Rescue, at Water Search and Rescue; na magtatapos sa earthquake-tsunami response scenario.

Magsasagawa din ng medical-civic action programs ang mga kalahok sa mga lokal na komunidad na nakatutok sa public health, infectious diseases, diabetes, cardiovascular disease, cancer, forensic dentistry, oral surgery, at diet and nutrition.

Kasama din sa aktibidad ang pagsasagawa ng iba’t ibang engineering projects ng American, Korean, at Filipino military engineers. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us