Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang imbestigasyon hinggil sa pagtakas ni Michael Cataroja na kamakailan lamang ay balik loob na sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons.
Inilarawan mismo ni Cataroja ang kanyang ginagawang hakbang kung papaano siya nakatakas sa loob ng Maximum Security Compound kung saan nagtago siya mismo sa ilalim ng trailer truck.
Ipinakita rin ni Cataroja mismo kung papaano siya nakapunta sa trailer truck.
Samantala, patuloy na inaalam ng BuCor kung may kasabwat na BuCor personel si Cataroja kaya’t nakatakas ito at agarang sisibakin sa puwesto. | ulat ni AJ Ignacio