Reprinting ng mga natitirang balota para sa 2023 BSKE, sinimulan na sa National Printing Office

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpatuloy ngayong araw sa National Printing Office ang pag-iimprenta ng mga balota para sa nalalapit na barangay at sangguniang kabataan elections sa Oktubre.

Ayon kay Comelec Spokesperson Dir. Rex Laudiangco, nasa higit 1.7 milyong balota ang ire-reprint ng NPO kung saan 1.3 milyon ang mga balota para sa barangay elections habang higit sa 460,000 naman sa SK ballots.

Paliwanag nito, ito ay para sa ilang lugar sa bansa na nagbago ang estado matapos ang plebesito gaya ng Carmona at Baliuag na isa nang lungsod, pati na ang paghahati ng Maguindanao sa dalawang probinsya.

Isusunod na rin aniya rito ang mga balota para sa 10 barangay na inilipat na sa Taguig ang hurisdiksyon batay sa pinakahuling desisyon ng Korte Suprema..

Ayon kay Atty. Laudiangco, nasa higit 270,000 na balota ang papalitan na ng Taguig ang lokasyon.

Inaasahan naman ng Comelec na matatapos din sa loob ng 3-4 na araw ang printing ng mga bagong balota sa NPO na magiging pinakahuling batch ng iimprenta para sa 2023 BSKE. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us