Comelec, umaasa ng matatag na demokrasya kasabay ng annibersaryo nito bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbalik tanaw si Commission on Elections Chairperson George Garcia, isang araw bago ang ika-83 taong anibersaryo ng komisyon.

Ayon kay Garcia, malayo na ang narating ng Comelec bilang isang organisasyon at umaasa ito na makamit ang matatag, inklusibo at masiglang demokyrasya.

Ani garcia, ang Comelec ang tumayong bantay sa ‘democratic values’ kung saan sinisiguro ang karapatan ng bawat Pilipino na makaboto at matiyak na ang electoral process ay malaya sa anumang manipulasyon o pandaraya.

Ang Commission on Election ay binuo noong August 22, 1940 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 607.

Ito ang nagbigay ng pormal na kapangyarihan sa Comelec bilang ‘governing body’ na responsable sa pagsasagawa ng ‘transparent’ at ‘accountable elections’ sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us