Panibagong panawagan para repasuhin ang prangkisa ng NGCP, inihirit ng AnaKalusugan party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa pang mambabatas ang nanawagan para sa pagrepaso ng prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines.

Ito’y matapos matuklasan na hindi binayaran ng NGCP ang kanilang 3% franchise tax sa loob ng 12 taon at sa halip ay ipinasa ito sa mga konsyumer.

“Hindi makatarungan na sa loob ng 12 taon hindi nagbayad ng franchise tax ang NGCP at pinasa pa ang responsibilidad na ito sa mga consumers. This is a deplorable practice, and one that warrants a thorough review of the franchise of the NGCP,” giit ni Reyes.

Kung titignan aniya ang financial statement ng NGCP ay may sapat itong kakayanan para bayaran ang kanilang franchise tax.

Ngunit mas pinipili nito na bayaran lang ang penalties at ipasagot na lang sa consumer ang responsibilidad sa bayad ng prangkisa

“Nakakalungkot dahil kahit maraming penalties na ipinapataw sa kanila, patuloy na kumikita ang NGCP, kaya naman parang mas gusto na lang nito na magbayad ng penalties kesa kumpletuhin ang mga ipinangakong proyekto. Kailangan mapanagot ang ganitong mapang-abusong gawain,” dagdag ng kinatawan.

Pinuna rin ni Reyes ang napakalaking dividend payout ng NGCP sa kanilang shareholders kaysa kumpletuhin ang mga nakalatag at nakabinbing proyekto.

“Noong taong 2011, 2013, at 2014 mas mataas pa ang dividend payout ng NGCP kesa sa kanilang net income. Kung ganito ang pamamalakad sa NGCP, hindi na po kataka-taka kung bakit ang daming aberya at tila wala silang nakukumpletong mga proyekto,” sabi pa ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us