Suplay ng droga sa Pangasinan, bumaba na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumaba na ang suplay ng iligal na droga sa lalawigan ng Pangasinan.

Paliwanag ni PDEA Provincial Director IA V Rechie Camacho, base sa kanilang mga operasyon ay hindi na ganoon karami ang nakukumpiskang droga sa mga nahuhuling suspek.

Karamihan na rin sa mga malalaking personalidad na kanilang tinututukan noon na sangkot sa pagtutulak ng droga ay wala na sa Pangasinan matapos ang isinagawa nilang surveillance at validation.

Sa kabila nito ay maigting pa rin ang kanilang ginagawang monitoring at mga operasyon upang mahuli ang iba pang nasasangkot sa nasabing iligal na gawain gayundin ang patuloy na pagsusulong sa supply reduction program ng ahensya. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us