Isinagawa ang press conference para sa Trophy Tour ng 2023 FIBA Basketball World Cup ngayon araw.
Ililibot ang naturang trophy sa mga pangunahing lugar sa Ilocos Norte, gaya sa Kapurpurawan Rock Formation sa bayan ng Burgos.
Ayon kay Gilas Ambassador Arwind Santos, lalaban hanggang sa huli ang Gilas Pilipinas.
Aniya, na hindi maitatanggi ang lakas ng Dominican Republic na makakasagupa ng Gilas sa unang bahagi ngunit hindi magpapatalo ang Philippine National Team.
Hinikayat ng shooting guard ng NorthPort Batang Pier ang suporta ng mga Ilocano sa Gilas Pilipinas.
Nagpasalamat si Santos sa suporta nila Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Gov. Matthew Marcos Mantoc, Vice Governor Cecilia Araneta Marcos at mga opisyal ng gobyerno probinsyal ng Ilocos Norte.
Nabatid na pitong kilo ang Trophy ng FIBA Basketball World Cup at ito ay purong ginto na pag-aagawan ng 32 na kuponan.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag