Mas mataas na pondo para sa cancer assistance sa 2024, pinuri ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Deputy Speaker Ralph Recto ang dagdag pondo para sa cancer assistance fund sa 2024.

Batay sa isinumiteng 2024 National Expenditure Program (NEP), may kalahating bilyong pisong pagtaas sa cancer control at cancer assistance fund.

Ibig sabihin, magiging P2.02 billion na ang pondo para sa susunod na taon.

Maliban pa ito sa P28 billion na pondo para sa gamot at P22.2 billion Medical Assistance for Indigent Fund (MAIF), na maaaring paghugutan pambawas sa hospital bill.

Magkagayunman, mayroon naman aniyang halos P10 billion budget cut sa pondo ng Department of Health (DOH).

Mula kasi sa kasalukuyang P209.1 billion na pondo ng DOH ngayong taon ay nasa P199.1 billion lang ang proposed budget ng ‘agency proper’ ng DOH.

Kasama dito ang P1.2 billion budget cut sa Prevention and Control of Non-Communicable Diseases o P1.7 billion na lang mula sa kasalukuyang P2.9 billion.

Aabot din ani Recto sa halos P818 million ang bawas pondo para sa apat na QC-based specialty hospital na Lung, Kidney, Heart at Children’s Centers.

Batid naman ng Batangas solon, na iniinda pa rin ngayon ng DOH ang epekto ng COVID-19.

Katunayan mayroon pa ring P20 billion na alokasyon pambayad sa ‘Public Health Emergency Benefits’ ng health workers.

Kaya naman aniya, kapag nabayaran na ang arrears sa frontliners ay malaking kaluwagan na ito sa susunod na budget ng health department sa 2025. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us