Target ng Department of Agrarian Reform (DAR) na makapamahagi pa ng 30,000 land titles sa mga agrarian reform beneficiaries ngayong taon.
Ito na ang kukumpleto sa 80,000 land titles na maipamahagi sa buong bansa ngayong taong 2023.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, nakapamahagi ng kabuuang 71,360 land titles ang DAR sa mga magsasaka sa unang taon pa lamang ng administrasyong Marcos Jr.
Mas maraming land titles ang naipamahagi nito kumpara sa kahalintulad na panahon noong nagdaang administrasyon.
Partikular na binanggit ng kalihim ang record breaking performance sa pamamahagi ng mga e-title sa ilalim ng proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT). | ulat ni Rey Ferrer