Philippine Red Cross, naghatid ng malinis na tubig sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay sa Abra

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang paghahatid ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga residenteng apektado ng pananalasa ng bagyong Egay.

Kaugnay nito ay naghatid ng malinis na tubig ang PRC water tanker sa iba’t ibang barangay sa Bangued, Abra.

Isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente matapos mapinsala ng bagyo.

Kabilang sa mga nabenepisyuhan ang 161 pamilya sa Barangay Ubbog Lipcan at 131 na pamilya sa Barangay Angad.

Umabot naman sa 24,000 na litro ng malinis na tubig ang naipamahagi ng PRC sa mga residente.

Samantala, nagpapatuloy naman ang relief operations ng PRC sa iba’t ibang lalawigan na nasalanta ng bagyong Egay gaya ng pagbibigay ng yero para sa mga nasirang bubong ng mga paaralan sa Calayan Island sa Cagayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us