Makati at Taguig LGU, inatasan ng DILG na tulungan ang COMELEC sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Makati at Taguig na tulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa inilabas na direktiba ng DILG, partikular na pinatutukan ng ahensya ang 10 barangay na ipinalilipat ng Korte Suprema mula sa Makati patungong Taguig.

Kabilang na rito ang lugar para sa paghahain ng certificates of candidacy (COC); residency requirements; at lokasyon ng mga polling place.

Sinabi ng COMELEC, hindi na kailangan pang magrehistrong muli ng mga botante sa mga apektadong barangay para sa halalan dahil awtomatiko na silang malilipat sa Taguig City.

Ang BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us