Command Conference sa pagitan ng AFP, PNP, PCG, pangungunahan ng COMELEC sa Kampo Crame ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Ito’y sa pamamagitan ng isang Command Conference na may kinalaman sa mga paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa Oktubre.

Unang magsasagawa ng isang press briefing ang mga nabanggit ngayong umaga sa Kampo Crame at mamayang hapon naman isasagawa ang Command Conference.

Dadalo rin sa naturang pagpupulong ang COMELEC En Banc sa pangunguna ni Chairperson George Erwin Garcia at mga opisyal nito gayudin ang iba pang deputized government agencies, Citizens’ Arm at Civil Society Organizations.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin sa ipinatawag na pulong balitaan ay ang update sa pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan, ang nakatakdang paglilipat ng mga presinto sa 10 barangay mula sa Makati patungong Taguig, at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us