Nagbalik-loob sa gobyerno ang dalawang miyembro ng communist terrorist group sa General Nakar, Quezon Province.
Pawang mga kasapi ng Sangay ng Partido sa Lokalidad at Pinagka-isang Lakas ng mga Magbubukid sa Quezon UGMO ng Anakpawis ang mga sumukong personalidad na sina alyas “Lito” at alyas “Tito”.
Kasama nilang isinuko ang ilang mga subersibong dokumento na tumutuligsa sa pamahalaan.
Dinala sila sa kampo ng 405th A Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion CALABARZON sa General Nakar para sa pagproseso ng kanilang pagpapauwi. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.