Valenzuela LGU, magkakaroon ng Mega Job Fair sa Huwebes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Valenzuela LGU ng malawakang job fair sa darating na Huwebes, August 24.

Sa abiso ng pamahalaang lungsod, daan-daang job vacancies ang bubuksan nito sa Mega Job Fair na gaganapin sa Valenzuela City People’s Park Amphitheater, simula 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Ito ay pangungunahan ng Valenzuela City Public Employment Service Office.

Kaugnay nito, hinikayat ang first time job seekers at iba pang naghahanap ng trabaho na maghanda na ng maraming resume/biodata.

Bukod sa trabaho, mayroon ding alok na one-stop-shop ng pre-employment services sa naturang job fair kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Una nang nag-organisa ng overseas job fair ang Valenzuela LGU kung saan anim na aplikante ang pasok sa inaplayan habang 425 ang tutuloy sa interview process. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us