Dumalo si Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa 55th ASEAN Economic Ministers’ Meeting sa Semarang, Indonesia bago ang ASEAN Summit sa Setyembre.
Sa naging AEM, tinapos ng mga Trade Minister ang mga pangunahing economic deliverables, tulad ng Framework and Study for a Digital Economy Framework Agreement (DEFA), ang ASEAN Strategy on Carbon Neutrality, at ang Blue Economy Framework na lahat ay naaayon sa pagpapatupad ng ASEAN Economic Community Blueprint 2025.
Ang mga ito ay isusumite para sa pag-endorso sa paparating na 43rd ASEAN Summit.
Inendorso rin ng mga Trade Ministers ang framewofk para sa negosasyon para sa Digital Economy Framework Agreement na nakikitang magpapabilis sa digital transformation agenda ng ASEAN sa pamamagitan ng comprehensive agreement on digital trade, cross-border data flows, competition, digital payments, at iba pa.
Inendorso din nila ang ASEAN Strategy on Carbon Neutrality na nagbabalangkas ng walong panrehiyong istratehiya upang matugunan ang mga pangunahing hadlang sa decarbonization at mapabilis ang pag-abot sa carbon neutrality.
Kabilang dito ang green value chain integration, circular economy supply chains, green infrastructure and market, carbon markets, standards, at green talent and capital, at iba pa. | ulat ni Gab Villegas
📷: DTI