Mahigit sa P86.8 milyong halaga ng agri-fishery products ang nasamsam sa Navotas City.
Kasunod ito ng isinagawang joint anti-smuggling operation ng Department of Agriculture for Inspectorate and Enforcement, Bureau of Customs at Philippine Coast Guard.
13 cold storage facilities na pag aari ng Philstorage Corporation ang sinalakay at nakumpiska ang kabuuang 364,000 kilograms ng agri-fishery products.
Nadiskubre ng mga awtoridad na expired na ang mga imbak na frozen meat products tulad ng karneng baka, manok at isda. | ulat ni Rey Ferrer
📷: Department of Agriculture