Tinapyas na P10-B sa 2024 budget ng DOH, isusulong na maibalik ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Senate Committee on Health Chair Sen. Bong Go na itutulak ang pagbabalik ng tinapyas na P10 bilyong pondo sa 2024 proposed budget ng Department of Health.

Sa pagbisita ng senador sa Navotas City, ipinunto nitong napakahalaga ng pondo ng DOH dahil nagsisilbi itong ‘investment’ para sa pagtataguyod ng maayos na healthcare system sa bansa.

Dagdag pa nito, kailangan ng DOH ang karagdagang pondo bilang paghahanda sa posibilidad na may isa na namang pandemya ang tumama.

Tinukoy rin ng senador ang obligasyon ng gobyerno na maibigay ang tamang pasahod sa mga healthcare worker.

Aniya, hindi dapat tinatapyasan, kundi dinadagdagan pa ang pondo ng DOH dahil nakasalalay rito ang kalusugan at buhay ng mga Pilipino.

Una na ring pinuna ng ilan pang senador ang pagbaba sa P188.45 bilyon sa 2024 budget ng DOH mula sa P209 bilyon sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023.

Dahil dito, itinutulak na sa senado ang masusing pagbusisi sa ibinawas na pondo ng departamento. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us