LTFRB sa jeepney transport groups: Gawing pormal ang kahilingan sa dagdag-pasahe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang transport group na magsumite ng pormal na petisyon, sa halip na sulat lamang hinggil sa kanilang hiling na itaas ang pamasahe para sa mga pampublikong jeepney.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, bukas ang tanggapan ng ahensya sa mga hiling ng transport group sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Pero kailangang idaan ang kanilang kahilingan sa tama at mas angkop na proseso alinsunod sa Public Service Act.

Kailangan nilang maghain ng pormal na petisyon sa loob ng limang araw.

Gayunman, kinakailangan pa ring balansehin ng LTFRB ang epekto nito para sa mga commuter

Malugod ding tatanggapin ng LTFRB ang komento at suhestiyon mula sa panig ng mga commuter, sakaling maihain ang petisyon ng mga nasabing transport group.

Una nang nagpadala ng sulat sa LTFRB ang mga transport group na Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), PISTON, FEJODAP, at Stop & Go Transport Coalition Incorporated, upang hilingin ang P2 dagdag pasahe sa mga pampublikong jeepney. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us