DA, dumipensa sa pagkakaroon ng P50-M confidential fund sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) kung para saan ang inilaang P50 million na confidential funds para sa kagawaran sa ilalim ng 2024 National Budget.

Ito ay matapos mausisa ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro kung saan gagamitin ng ahensya ang naturang pondo.

Ayon kay Assistant Secretary for DA Inspectorate and Enforcement James Layug, gagamitin ang confidential funds sa anti-agricultural smuggling efforts katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Bahagi aniya ito ng kanilang mandato bilang miyembro ng National Intelligence Coordinating Board, na tumutugon sa problema sa smuggling.

Punto pa ng opisyal, ang anti-agricultural smuggling efforts na ito ay upang makamit ang food security sa bahagi ng usapin ng National Security. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us