Libreng serbisyong medikal, hatid ng Philippine Red Cross Health Caravan sa San Luis, Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang paghahatid ng libreng serbisyong medikal ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga komunidad na nangangailangan.

Kaugnay nito ay bumisita ang PRC Health Caravan sa Barangay Calumpang East sa San Luis, Batangas upang magbigay ng libreng medical consultation sa mga residente.

Nasa 92 na mga indibidwal ang nabigyan ng basic health consultation, hygiene promotion, Red Cross 143 orientation, at dengue lecture.

Habang nasa 26 na indibidwal naman ang sumailalim sa first aid lecture at 73 ang nakatanggap ng hot meals.

Tiniyak naman ng PRC na patuloy na magbibigay ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan partikular na sa mga napinsala ng kalamidad o sakuna.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us