Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Internal Revenue at National Library of The Philippines (NLP) para sa paggamit ng Koha Integrated Library System.
Ang KOHA Integrated Library System ay isang open-source integrated library system na ginagamit sa buong mundo ng publiko, mga paaralan at special libraries.
Nakapaloob sa kasunduan, ang NLP ay magbibigay ng ekspertong tulong sa paggamit ng Linux operating system at Koha Integrated Library System (ILS) gamit ang mga itinalagang BIR desktop computer.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., pangunahing layunin ng kasunduan na pahusayin ang access ng impormasyon sa loob ng BIR.
Ang orientation at tutorial para sa mga piling tauhan ng BIR kung paano gamitin ang mga nasabing sistema ay isasagawa rin ng National Library of tbe Philippines (NLP).
Sabi pa ni Lumagui, ito ay nagpapakita ng pangako ng BIR sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa publiko at pagtataguyod ng tuluy-tuloy na daloy ng impormasyon.
Magiging epektibo ang MOA sa pagpirma at mananatiling may bisa hanggang sa makumpleto ang mga napagkasunduang aktibidad.| ulat ni Rey Ferrer