Niresbakan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang Potato Corner sa umanoy “discriminatory job posting” nito at sinabing service crew ang kanilang kailangan at hindi panlaban sa beauty pageant.
Ito ay makaraang maglabas ng criteria at kwalipikasyon ang Potato Corner na nangangailangan umano sila ng mga babaeng service crew na may good visual impact at pleasing personality.
Ayon kay TUCP Vice President Luis Corral, ang mga nabanggit na kwalipikasyon para maging isang Potato Corner service crew ay hindi lamang kasuklam-suklam ngunit nakalulungkot para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at hanapbuhay ng kababaihan.
Dahil dito, hiniling ng TUCP na magpalabas ng public apology ang pamunuan ng Potato Corner sa kanilang “discriminatory job posting.”| ulat ni Rey Ferrer