Pagpapababa sa presyo ng bigas sa P20 kada kilo, nakadepende sa market situation ayon kay Usec. Sebastian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla hamon pa rin para sa Department of Agriculture (DA) na maipatupad ang P20 na kada kilo na presyo ng bigas.

Ito’y matapos mausisa ang opisyal sa budget deliberation kung kakayanin na bang makamit ng DA ang campaign promise ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na dalawang taon.

Paglilinaw naman ni Agriculture Undersecretary for rice industry development Leocadio Sebastian, nakadepende kasi sa sitwasyon ng merkado ang magiging presyuhan ng bigas.

Kung mapagbubuti din aniya ang value chain at mapapababa ang post-harvest cost ay maaaring mapababa rin ang presyo ng bigas sa mga pamilihan, ngunit hindi pa rin maaabot ang target na P20.

“It depends on the market on how it will play. If we are able to improve our value chain and the we can also reduce the cost of the post-harvest cost, not [be] P20, but at least we can maintain a low price that is affordable,” sabi ni Sebastian.

Para sa opisyal, ang habol nila sa ngayon ay ang affordability ng presyo ng bigas.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us