Dalawang pulis na sangkot sa pagpatay sa isang binatilyo sa dahil sa mistaken identity, pina-contempt ng Senate panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pina-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang dalawang pulis Navotas City na sangkot sa pagkakapaslang sa 17 anyos na binatilyong si Jemboy Baltazar nang dahil sa mistaken identity.

Sa pagdinig ng Senate panel, pina-contempt ang team leader ng operasyon ng si Police Capt. Mark Joseph Carpio at si Police Staff Sergeant Gerry Maliban, isa sa anim na pulis na unang nagpaputok sa tubig nang tumalon ang binatilyo mula sa bangka.

Tumanggi kasi si Maliban na sagutin ang mga tanong ng mga senador habang pabago-bago at nakakalito naman ang pahayag ni Carpio patungkol sa nangyari sa operasyon at pagkamatay ni Baltazar.

Noong una kasi, sinabi ni Carpio na mayroon silang intelligence report na andun sa naturang lugar sa Navotas ang hinahanap nilang murder suspect na si Reynaldo Bolivar at napagkamalan lamang si Baltazar dahil magkamukha aniya ang mga ito.

Itinuro din ni Carpio si Maliban na unang nagpaputok sa tubig nang tumalon si Jemboy.

Pero sa bandang huli ng pagdinig ay iba na ang sinasabi ni Carpio at iginigiit nitong hindi nila nakitang tumalon si Jemboy sa bangka.

Sinabi pa ni Carpio na si Sonny Boy, na kasama ni Baltazar sa bangka, ang nagsabi lang sa kanila na tumalon si Jemboy sa tubig.

Samantala, si Maliban naman nang matanong ni Dela Rosa kung nagpaputok sa tubig nang makita tumalon si Jemboy ay nag-invoke ng kanyang right against self-incrimination.

Sina Carpio at Maliban ay mananatiling naka-detain dito sa Senado hanggang sa magdesisyon ang senate panel na alisin ang contempt order.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us