Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang balikatan ng Pilipinas at ng Toyota, partikular ang trabaho at training na ibinibigay ng kumpaniya sa mga Pilipino.
“We have to recognize the help that it has given — that this plant such as this has given us and our people. Makita mo ang magandang – ‘yung mga tao natin, our Filipino employees who have come to work with Toyota have been — are very highly trained, are also extremely steeped in the Japanese culture of production.” —Pangulong Marcos.
Sa pagbisita ng pangulo sa Toyota Manufacturing Plant sa Santa Rosa, Laguna para sa ika-35 anibersaryo ng Toyota Motors Philippines Corporation (TMP) sinabi ng pangulo na nakikita ng pamahalaan ang kumpaniya bilang partner sa development ng bansa.
“We have always seen Toyota as being an important partner in everything, in our development in the Philippines. And now especially in these difficult times, these are the partnerships that we think — that I am certain will be of benefit not only to the Philippines but also to Toyota and even for our partners in Japan.” —Pangulong Marcos.
Kasabay aniya ng selebrasyong ito, ang paghahanap pa ng panibagong simula, at hindi lamang aniya basta ang Pilipinas ang magbi-benepisyo dito, bagkus ay maging ang Toyota, at iba pang kabalikat nito sa Japan.
Ngayong araw, nakatanggap ng 35 bagong sasakyan ang Office of the President (OP) na donasyon ng Toyota, na kinabibilangan ng:
10 units ng Hiace Ambulance
5 units ng Lite Ace Pickup
5 units ng Innova
5 units ng Vios
3 units ng Yaris Cross
5 Lite Ace Cargo
At 2 units ng Coaster na customized para sa Lab For All program ng Office of the First Lady.| ulat ni Racquel Bayan