Opisyal nang ipinakilala ngayong araw ang proyektong Multi-Hazard Impact-Based Forecasting and Early Warning System (MH-IBF-EWS) sa mga stakeholder sa siyudad ng Tuguegarao.
Sa ilalim ng proyekto, magkakaroon ng pagbabago mula sa kasalukuyan at tradisyunal na hazard-focused forecasts and warnings, patungo sa agarang paggawa ng anticipatory actions ng mga awtoridad at maagap na pagtugon ng mga komunidad.
Ang tatlong araw na Stakeholder Engagement Workshop na nagsimula ngayong araw ang inisyal na hakbang tungo sa pagpapatupad ng proyekto na pinondohan ng Green Climate Fund.
Ang Tuguegarao City ang isa sa apat na LGUs sa buong bansa na napiling manguna sa implementasyon ng proyekto, sa pangunguna ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kabilang pa sa mga lugar sa bansa para sa pilot implementation ng proyekto ang Legazpi, sa Albay; Palo, Leyte; at New Bataan, sa Davao de Oro.| ulat ni April Racho| RP1 Tuguegarao