Mga Pilipinong mangingisda sa WPS, sinaklolohan ng US navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaklolohan ng US Navy Arleigh Bruke-class guided missile destroyer USS Ralph Johnson (DDG 114) ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea na nangangailangan ng tulong.

Sa ulat ng US Embassy, nagsasagawa ng regular na operasyon sa West Philippine Sea ang naturang barkong pandigma nang mamataan ang bangka ng mga mangingisdang Pilipino na sumesenyas na nangangailan sila ng tulong noong Agosto 14.

Isang Pilipinong crew member ng USS Ralph Johnson na tubong Ilocos Norte, si Culinary Specialist 1st Class Aileen Adriano ang nagsilbing interpreter.

Pabalik na aniya ang mga mangingisda sa Pilipinas at nangangailangan ng pagkain at tubig, na ipinagkaloob naman sa kanila ng kapitan ng USS Ralph Johnson na si Cmdr. Isaia Infante.

Binati naman ni Cmdr. Infante ang kanyang crew sa kanilang mabilis na pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa karagatan.

Ang The USS Ralph Johnson ay naka-assign sa Task Force 71/Destroyer Squadron (DESRON) 15, ang pinakamalaking forward-deployed DESRON ng US Navy na pangunahing surface force ng U.S. 7th Fleet. | ulat ni Leo Sarne

📷: Petty Officer 1st Class Jamaal Liddell

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us