Panukala para mapag-aral ang 4Ps beneficiaries na nasa hustong gulang, pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Kamara ang panukala na magbibigay pagkakataon sa mga miyembro ng pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na makapag-aral.

Aamyendahan ng House Bill 8497 ang bahagi ng Republic Act 11310, o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act kung saan mga male adults lang sa family beneficiary ang nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

Sa ilalim ng panukala, ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nasa hustong gulang ay maaaring pumasok sa Alternative Learning System (ALS) upang makatapos ng basic education, kumuha ng Entrepreneurship track ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magkaroon ng kasanayan sa pagnenegosyo, o employment track ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang accredited organization para makaroon ng kasanayan at makapasok ng trabaho.

Bibigyan sila ng community mobilization grant na hindi bababa sa ₱500 para mayroon silang magastos sa pamasahe at pagkain.

Ang pagpasok sa educational program ay gagawin sa ikalawang taon mula ng mag-umpisang makatanggap ng ayuda mula sa 4Ps.

Ang mga nakatapos ay bibigyan din ng prayoridad sa iba pang tulong na ibinibigay ng gobyerno gaya ng puhunan sa pagnenegosyo, pag-aayos ng mga dokumento para makapasok ng trabaho, at makapasok sa tertiary school kung nais pang ipagpatuloy ang pag-aaral. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us