Hinihintay na lamang ng Justice Department na matapos ang ginagawang evaluation ng mga prosecutor kaugnay sa kaso ni dating Cong. Arnulfo Teves Jr. kaugnay sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Sa ambush interview bago sumalang sa deliberasyon ang 34.3 billion peso 2024 proposed budget ng DOJ, sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na sa oras na maresolba ng prosekusyon kung may sapat na ebidensya para magsampa ng kaso laban kay Teves ay makakausad na ang kaso at gugulong na rin ang kamay ng batas.
Dagdag pa ng kalihim, kung maglabas na ng warrant of arrest ay obligado na rin ang member states ng United Nations na arestuhin si Teves. | ulat ni Kathleen Jean Forbes