Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay ang Department of Transportation o DOTr sa pagpanaw ni Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople.
Sa pahayag ng DOTr, kaisa sila sa pagdadalamhati lalo’t nawalan ang Pilipinas ng isang masidhing tagapagtanggol sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker at sa buong sektor ng paggawa.
Hindi rin anila naging maramot si Sec. Ople sa pag-aabot ng tulong sa DOTr upang mapaunlad pa ang edukasyon, pagsasanay at sistema ng sertipikasyon para sa mga Pinoy seafarer.
Sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Ople sa DMW, naging mahigpit nila itong kaalyado sa DOTr partikular sa pagpapatupad ng mga reporma at inisyatiba sa maritime sector
Magugunitang naging katuwang ng DOTr ang DMW sa agresibong pagtutulak na muling kilalanin ng European Union ang mga Pilipinong mandaragat. | ulat ni Jaymark Dagala