Itinaas na rin ng Philippine Ports Authority ang alerto nito dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero kasabay ng pagbabalik-eskwela.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, lahat ng kanilang pantalan partikular na ang mga passenger terminal sa buong bansa ay handa na katuwang ang kanilang Port Police, Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority.
Bukod sa seguridad ay ang pagsiguro rin aniya na magiging kumportable ang mga pasahero.
Sa monitoring ng PPA, nagsisimula nang dumami ang mga pasahero na umuuwi sa mga probinsya.
Kabilang sa top 3 ports na pinakaabala ngayon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasahero mula nang magsimula ang Brigada Eskwela at long weekend ay sa Panay, Guimaras, Batangas at Bicol. | ulat ni Lorenz Tanjoco