Pangulong Marcos Jr., naka-monitor sa development ng PhilSys ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinutugunan na ng pamahalaan ang mga naitatalang delay sa ganap na pagsasakatuparan ng Philippine ID System sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mismo ay naka-monitor sa itinatakbo nito.

Ayon sa kalihim, dahil sa pagtama ng pandemiya, nagbago ang mundo at mas nangibabaw ang digital transactions.

Dahil dito, sila aniya sa pamahalaan ay binibigyang prayoridad na rin ang pagbaba ng digital ID sa mga Pilipino upang magamit na ito sa digital transactions.

Habang tinututukan aniya ito ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang Philippine Statistics Authority (PSA) naman ang tumututok sa produksyon at distribusyon ng physical ID.

Base sa pinakahuling datos ng PSA, nitong July 11, nasa 80 milyong Pilipino na ang registered para sa national ID. Mula sa bilang na ito, 37.4 million na physical ID ang naipamahagi na. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us