Binuksan na ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang bidding para sa kontrata sa pag-rehabilitate, operate, optimize, at pag-maintain ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Makikita sa website ng Public-Private Partnership Center, DOTr, at MIAA, ang mga instruction para sa mga bidder.
Saklaw ng ₱170.6-billion NEDA Board-approved NAIA PPP Project ang lahat ng pasilidad ng paliparan, kabilang na ang mga runway, apat na terminal, at mga nauugnay na pasilidad.
Inaasahan rin na mapapabuti ng proyekto ang kabuuang passenger experience, at aabot sa 62 milyon ang magiging annual passenger capacity ng NAIA mula sa kasalukuyang 32 milyon sa oras na maisakatuparan ang proyekto. | ulat ni Gab Villegas