Dumalo si Vice President Sara Duterte sa Joint Graduation Ceremony ng Sea, Air, Land Qualification Training Class 15 at Basic Naval Explosive Ordinance Disposal Course Class 20 sa Philippine Navy Headquarters Naval Special Operations Command sa Sangley Point, Cavite City ngayong araw.
Sa talumpati ni VP Sara, ipinaabot nito ang kanyang pagbati sa pinakabagong mandirigma ng NAVSOCOM.
Kinilala rin ng Pangalawang Pangulo ang mga ginagawa ng special operation forces, sa pagtataguyod ng national security sa mga nakalipas na taon.
Gaya ng pagsaklolo sa mga hostage mula sa mga terorista, pagtugis sa mga matataas na lider ng terorista sa Mindanao, at pagsalakay sa narcotics laboratory sa Maynila.
Ani VP Sara, mahalaga ang tungkulin na ginagampanan ng NAVSOCOM sa laban kontra terrorism, insurgency, at iba pang mga hamon sa national security.
Pinasalamatan din ni VP Sara ang mga instructor at staff ng NAVSOCOM sa kanilang sipag at dedikasyon, para ihanda ang mga nagsipagtapos sa paglilingkod sa bayan.
Bukod dito ay sinaksihan din ng Pangalawang Pangulo ang demonstration ng sea, air, at land capabilities ng NAVSOCOM. | ulat ni Diane Lear