Pagdinig sa fare hike petition ng ilang transport groups, itinakda na ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinakda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa petition na dagdag pasahe ng ilang transport groups sa Setyembre 12.

Bago ang pagdinig, magpupulong muna ang LTFRB board sa Martes, August 29 para pag-usapan ang fare hike petition.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, bukod sa mga jeepney transport group na humirit na ng fare increase, maghahain na rin ng petisyon ang mga taxi operator para sa P70 minimum flag down.

Nag-abiso na rin ang city at provincial buses na hihirit din ng taas pasahe sa susunod na linggo.

Sabi pa ni Guadiz, bubusisiin nilang mabuti ang mga petisyon dahil magkakaiba ang mga boses mula sa mga transport group.

Dahil magkakaiba ang mga petisyon sa fare hikes, bawat petition ay babalangkasin muna ang kinakailangang fare matrix bago iaakyat sa NEDA. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us