NHA, namahagi ng higit ₱13-M tulong pinansyal sa mga biktima ng sunog sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa ₱13.28 milyong cash assistance ang ipinaabot ng National Housing Authority (NHA) sa higit 1,300 na pamilyang nasunugan sa lungsod ng Navotas.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio katuwang sina Sen. Bong Go, at Mayor JohnRey Tiangco ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Ito ang programa ng NHA kung saan agarang hinahatiran ng tulong ang mga pamilyang biktima ng mga kalamidad at sakuna gaya ng bagyo, lindol, pagbaha, at sunog.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng EHAP sa Navotas ang mga residente ng Barangays North Bay Boulevard North, Bagong Bayan North, Tangos North, Tangos South, Navotas West, San Roque, Sipac Almacen, Bangkulasi, at Daanghari na pinagkalooban ng tig-₱10,000 ayuda bawat pamilya.

Sila ay mga biktima ng iba’t ibang sunog mula noong Oktubre 2019 hanggang Mayo 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us