Resolusyon na naghahayag ng pakikiramay ng Kamara sa pagyao ni Sec. Ople, inihain

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni OFW party-list Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang isang resolusyon na naghahayag ng pakikisimpatya ng Kamara de Representates sa pagpanaw ni DMW Sec. Susan ‘Toots’ Ople.

Sa kaniyang House Resolution 1215, binigyang diin ni Magsino ang pagkilala sa yumaong kalihim para sa kaniyang napakalaking ambag sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawa lalo na ng Overseas Filipino Workers.

Katunayan, matagal na aniya niyang kaagapay si Sec. Ople sa pagpapalawak ng adbokasiya para sa kapakanan ng mga OFW.

“Napakataas ng pagkilala ko kay Sec. Toots dahil sa kabuuan ng loob niya sa serbisyo at integridad sa pamumuno ng kanyang organisasyon at lalo na nang maging kalihim ng DMW. Kaya’t ang pagpanaw ni Sec. Toots ay mag-iiwan ng malalim na sugat; hindi lamang isang haligi sa ating adbokasiya ang nawala, isang hinahangaang kaibigan at lider din.”, sabi ni Magsino

Wala rin aniyang sinayang na oras si Sec. Ople at kanyang sinagad ang pagkakataong magsilbi sa bayan sa kaniyang pag-upo bilang unang kalihim Department of Migrant Workers.

August 22 nang sumakabilang buhay ang kalihim. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us