Ilalaang pondo para sa PCG, pinadaragdagan ni Sen. Risa Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ni Senator Risa Hontiveros na dagdagan pa ang ilalaang pondo sa Philippine Coast Guard para sa pagpapalakas ng pagbabantay sa karagatan na nakapaloob sa West Philippine Sea.

Sa kanyang privilege speech sinabi ng mambabatas na karapat-dapat lamang na madagdagan ang pondo ng PCG dahil sa panganib na kinakaharap ng mga bantay-dagat ng bansa sa pagbabantay nito sa West Philippine Sea at sa pangha-harass ng Chinese Coast Guard.

Dagdag pa ni Hontiveros na kailangan din na palakasin pa ang teknolohiya ng PCG partikular sa counter-intelligence upang maging handa ang ito sa anumang banta sa pinag-aagawang teritoryo.

Nanawagan naman si Hontiveros sa mga kapwa senador na makiisa sa kanyang pagnanais na magkaroon ng maayos na pondo ang PCG sa bagbabantay ng karagatan sa buong bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us